Journey
Wanderer
I expect to pass through this world but once. Any good, therefore, that I can do or any kindness I can show to any fellow creature, let me do it now. Let me not defer or neglect it for I shall not pass this way again......Stephen Grellet
Sunday, 8 March 2015
Days of my Life
![]() |
| Life is so great and I am excited to discover it... |
![]() |
| Life is full of challenges and obstacles what keeping us standing is the faith in our heart...only faith in our heart. |
![]() |
| I believed and tried hard, and finally found out that life is good... |
![]() |
| I accepted challenges and welcomed changes.. and starts seeing the world through myself in order to see myself through |
![]() |
| I am ready to give what I have... |
![]() |
| I faces life ....and keep on believing. To God be all the glory! |
Saturday, 7 March 2015
PAGHAHATID
Mabigat bawat hakbang ng aking mga paa
Na tila di matanaw daa'y kung saan papunta
paglalakbay, pagninilay alin man sa dalawa
Gunita ko'y hinahawi nakalipas na alaala....
Sa iyong pagkandili una akong nagkamalay
Wagas na pagmamahal sa akin ay ibinigay
Mula pagka sanggol hanggang matutong gumabay
Lumakad, tumakbo, sa buhay ay sumabay...
Tila noon bawat bagay ay napakaganda
Bulaklak sa parang, dalisdis ng tubig, hamog sa damuhan
Amoy ng kugon, kawayan, mga kakahuyan
Galak sa damdamin, damdaming walang muwang
Kagandahang asal siyang nagmulat sa akin
Mula sa mga kwento mong nandiyan na palagi
Natutong tumula sa harap ng karamihan
Sa ilalim ng tanging liwanag ng buwan
Ang mga tula mo, tula ng pag-ibig
Pagsintang tunay ngang nagmula sa dibdib
Ipinaghele ako't ipinagduruyan
BInigkas mong titk, hinimig mong awit....
O, buhay ay kaysarap, kaybuti ng buhay!
Maging sadyang salat sa maraming bagay
Kahit ang katotohanang sa lahat ay kapos
Dahil nandyan ka, para sa akin ay ayos!
Inspirasyon ko'y ikaw, nagbibigay lakas
Taglay ko na pag-asa sa iyo nababakas
Pagkat batid ko na sa bawat kong pagtitiis
Isang libo't isang beses higit ang iyong pagpapagal..
Ako ay isang repleksyon, repleksyong galing sa iyo
Ako ay siyang bunga ng bawat naituro mo
Ako ay isang buong ang bahagi ay ikaw
Na di mawawala, tataglayin habambuhay....
Bagama't ang bawat awit ay laging may katapusan
At sa bawat ilog may dagat na naghihintay
Ngayon ay simula ng kaluwalhatian
Sa tanging piling ng ating Poong Maykapal....
Baunin mo ang aking walang hanggang pagmamahal
Haplos ng isang anak sa kanyang amang pumanaw
Mga alaala mo ay lubos kong iingatan...
Sa puso ko ikaw lamang ama kong minamahal!
#paghahatid

Subscribe to:
Comments (Atom)